|
Procedure para sa Mashed Potatoes
1. Pakuluan ang mga patatas hanggang sa lumambot ito.
2. Durugin ang patatas at lagyan ng all purpose cream.
3. Tapos ay lagyan ng basil leaves, butter, paminta at asukal.
4. Haluing mabuti at itabi muna.
Procedure para sa Beef Caserole
1. Igisa ang sibuyas at bawang sa olive oil at isama ang karne.
2. Lagyan ito ng Knorr Liquid Seasoning.
3. Kapag luto na ang karne, isama ang mushrooms at chorizo de bilbao.
4. Tapos ay ihalo ang cream of mushroom soup, Knorr Beef Cubes, all purpose cream at Spanish paprika.
5. Sunod, ilagay ang carrots, green bell pepper at paminta.
6. Haluing mabuti hanggang sa maluto.
7. Tapos ay ilagay sa baking dish.
8. Ilagay sa ibabaw ang mashed potatoes, pahiran ng butter at budburan ng ginadgad na mozzarella cheese.
9. I-bake ito sa oven ng 10-15 minutes.
|